Hindi matapos-tapos. Hindi mawala-wala. Hindi madali. Sa isang salita, MAHIRAP.
Narito na po tayo sa ikalawang kabanata ng aking programa. Hehe. Ang Pagsiwalat ng Pagpapakawala Part II, aksyon!
Siguro nga ay isa sa pinakamahirap na gawin pagkatapos ng break-up ay ang mag-move on. Ang tanggapin na sa kabila ng pinagsamahan ninyong dalawa na halos magkapalit na kayo ng mukha sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ito ay wala na. Yung tipong masaya ka sa tuwing hawak mo ang kanyang kamay. Sa tuwing hinahaplos mo ang mahaba niyang buhok. Sa tuwing yakap mo siya at ramdam mo ang init ng kaniyang mga yakap. O di kaya'y kasama mo siyang naglalakad sa ilalim ng buwan, sa dalampasigan, sa isang hardin ng mga bulaklak, lumilipad sa alapaap hanggang sa ikapitong langit, hinihele ka ng kaniyang boses na kay lamig na parang isang musika. Isang anghel na tumutugtog ng alpa. Tumatalon ka sa tuwa at ang iyong ngiti ay abot-langit sa tuwing magsasabi siya ng mahiwagang salitang "I LOVE YOU". Masaya. Oo. Pero ang lahat ng ito ay nawala ng parang bola. Tila isang panaginip. Tila isang huling hininga na nagsabing "Wala na." Woooooosssshh. Ssssh. (Nilipad ng hangin) Tahimik na nagpaalam pero katumbas nito ang isang daang bomba sa loob mo na sabay-sabay sumabog. Boom! Dumanak ang dugo kahit wala.
Sa tuwing makikita mo ang mga lugar na pinuntahan ninyo o kahit mapadaan lang habang nakasakay sa jeep o sa tricycle o sa bus. Pwedeng MRT, LRT kung meron. O simpleng naglalakad lang. Sa tuwing maririnig mo ang inyong theme song na "Isang Linggong Pagibig" o di kaya'y "Maging Sino Ka Man" na pinapatugtog sa radyo ay hindi mo mapigilan ang mapaluha sa sakit na iyong nararamdaman. Mapapangiti ka pero biglang babawi ang lungkot. Ouch! I can't take it, my love. Uhuhuhuhu...
Wala na rin ang inyong communication. Texting, Chatting, Calling, Facebooking, Twittering. Wechatting, Vibering, Kakaotalking (hahaha). Yung dati ninyong ginagawa ay wala na. As in wala pero meron meron meron. Meron ka pa ring mobile number niya sa iyong phonebook. Pinakatatago mo at ayaw mong burahin. Friend mo pa rin siya sa FB at sinisilip mo pa rin ang Facebook Wall niya. Pero sa gawaing ito, ikaw ang nasasaktan. O di kaya'y hindi mo na siya friend sa FB kasi in-unfriend ka na o kaya binlock ka na. Nag-kusa na siyang burahin ang lahat. Tsk. Napakasakit talaga Kuya Eddie.
Lagi kang nakatingin sa malayo tila hinihintay mo pa rin ang kaniyang pagbabalik. Umaasa. Umaasa. Naniniwala ka na mahal ka pa rin niya kahit sinabi na niya sayong hindi na. HINDI NA KITA MAHAL. Naka-all caps ang pagkasabi niya. Pero hindi mo pinapansin. Naniniwala ka pa rin na may darating pa ring umaga pagkatapos ng dilim. Liwanag sa diliiim. Woh oh wooh. Hindi pa rin siya mawala sa isip mo na kahit saan ka tumingin ay siya pa rin ang nakikita mo. (Naghahalucinate ka) Tsk. Mahirap yan.
Sa totoo lang mahirap talaga. Para kang mababaliw na hindi mo alam. Siguro dahil hindi ka handa sa pangyayaring ito. Sabi ni April Boy Regino, Di ko kayang tanggapin na mawawala ka na sa akin, napakasakit na marinig na ayaw mo na sa akin. Hapdi at kirot. Hanggang dun lang. Hehe. O kung handa ka man, hindi mo akalain na ganito ang pakiramdam. Marahil ay first time mong maranasan ito o kung hindi man, naranasan mo na ito dati pero hindi ganito kagrabe. Kung mayroon mang dapat gawin, ito ay ang buong pusong tanggapin ang lahat-lahat. Paano? Hindi ko rin alam. Haha. Ang laki ng naitulong ko, di ba? Sobra.
Marahil ang susi ay nasa atin din. Kailangan lang nating hanapin. Nariyan lang yan. Kung hindi ka pa handang makipag-date sa iba, keep yourself busy. Nariyan ang iyong mga friends. Makisama. Mag-enjoy ka. Ngayon. Sumayaw-sumunod, sabi ng Boyfriends. Kung ayaw mo man ng friends, nariyan ang iyong family. Pero wag kalimutan ang magdasal. Dasal-dasal din pag may time. Seek counsel to our Lord. Pray! Unti-unti mare-realize mo na hindi mo pasan ang daigdig tulad ni Sharon Cuneta. Marami dyang iba. Maghintay ka lang. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento