Kakauwi ko lang galing trabaho at may dala akong pagkaing goto. Mura lang 'to. Trenta pesos. Hehe. Gusto niyo? Talap talap. Lalo na kung maalat at maasim. Pinaghalong lasa. Uhmmm. Hindi ko na sinamahan ng itlog kasi allergic ako dun. Magpapara-bahin na naman ako. Haha. Ang dami kong allergy. Pansin niyo? Habang kumakain, naisipan ko na namang magsulat. Tila yata hinahanap ng mga daliri ko ang makinis na keyboard ng aking kompyuter at ang mga ideya sa utak ko ay nagpupumiglas at handang kumawala na naman sa kawalan. Malalim na ang gabi at ang mga madlang peoples ay tulog na. Pagusapan natin ang pagibig. Yikes! Okay class, what is love? Kaibigan, usap tayo. Haha. Boy? Ikaw ba yan?!
Naalala ko nung hayskul ako. Kapag binabasa ko yung mga nakasulat sa slam note (slam book) ng mga nag-gagandahan kong mga kaklase, (uuuyyyyy) mababasa dun bukod sa mga favorite nilang kulay, ideal man/woman, at motto sa buhay, ipapa-define sayo ang love. Sabi nung iba, Love is like a rosary full of mystery. Haha. Meron pa. Love is blind. Hmp. Luma na. Ito pa, Love is sacrifice. Medyo seryoso. Noong nasa seminary naman ako, mayroon akong isang kaklaseng tinanong kung ano ang love. Sabi niya, love endures forever. Wahaha. Oh kitams. Kakaiba.
Kapag pinaguusapan ang love, napaka-attentive natin, di ba? Ito na siguro ang pinakasikat na salita sa buong mundo. Napakaiksi pero mahirap ipaliwanag at ang daming kahulugan. Hindi tulad ng dalawa sa pinakamahabang salita na supercalifragilisticexpialidocious na walang ibang ibig sabihin kundi wonderful at pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis na walang ibang kahulugan kundi sakit sa baga. Tsk. Mahirap ng isulat. Mahirap pang bigkasin. Hindi tulad ng love.
Siguro kong magkakaroon ng isang class o kurso sa school tungkol sa love, walang aabsent at walang magka-cutting class. Hahaha. Balikan ang nakaraan. Yung tipong umaakyat sa bakod ng school tuwing recess o kaya kapag walang teacher o basa ang chalk. Gawain nila yan. Sapul! Pero alam niyo ba na mayroong isang natatanging non-credit class sa University of Southern Califonia na tinatawag na Love 1A. Si Leo Buscaglia ang nagpasimula nito. Magsasawa kayong makarinig ng tungkol sa pagibig, maghapo't magdamag. Haha. Sana meron nito dito, ano?
Teka, ang haba na ng sinulat ko pero parang lahat intoduction. Haha. Sige. Seryosohin na natin. Walang tatawa. Pigilin ang tawa at wala ring uutot. (haha sa isip) Smile lang. Smile ka din. (commercial ng Mcdo) Mahirap i-define ang love kasi hindi naman ito isang bagay na nakikita. Para itong numero o titik o letra na hindi mo karaniwang nakikitang naglalakad o lumilipad sa pang-araw na araw na buhay. Pwede nating i-describe pero hindi natin pwedeng i-define. Sabi ni Michael Bolton sa kanta, I want to know what love is, I want you to show me. Tumpak! Kung ide-define natin ito, we can only say that love is. Period. Pero by description, bini-base na natin ito sa ating personal na pagpapakilala. Kailangan itong makita. I want you to show me. Binabase na natin ito sa ating karanasan. Binabase natin ito kung paano natin ito nakikita o nararanasan. Kung paano ka pinaiyak ng pagibig. Kung paano ka pinatawa nito. Pinasaya. Kung paano ka pinakilig. Kung paano mo siya natagpuan. Kung paano niya ginawang magical world ang buhay mo na parang nasa Disneyland. Kung papano ka lumilipad sa alapaap dahil sa isang smiley ng chat message na natanggap mo mula sa crush mo. Lahat ng ito ay dahil sa experience. Nararamdaman natin. Napapangiti tayo. Napapaiyak tayo. Nagagalit tayo. Sabi nga ng isang sikat na kasabihan, Experience is the best teacher. Haha.
Iiwanan ko na sa inyo ang kahulugan nito. Kung ako tatanungin, ang pagibig ay pagbibigay. Love is giving. Isang kilalang santa na si Sta. Teresita ng Lisieux ang nagsabing ang mabuhay sa pagibig ay pagbibigay. We give all. We give everything. Pero pwede namang magtira kung gusto niyo. Haha. Ikaw, ano ang pagibig?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento