Martes, Pebrero 25, 2014

Niligawan ka sa text?! What!

Isa siguro sa mga uso ngayon ay ang ligawan gamit ang makabagong  teknolohiya, ano?! Marami akong  kakilala at may mga karanasan tungkol  dito. Kahit ang inyong lingkod ay isa rin sa mga ito.  Haha. Noon, beeper lang. Pero hindi  ako  nakagamit  nito sa totoo lang. Then, cellphone. Black and white pa at naghahari  ang Nokia. Wala pa yang Sony Mobile, Samsung Mobile o kaya iPhone ng Apple. Si Steve Jobs busy pa yan sa pag-produce ng iMac at wala pang ideya kung ano ang  iPhone. Haha.

Balik tayo sa napaka-hightech na  Nokia. Pero inferness, (haha. natawa sa sarili) Pinakasikat talaga ito noong araw. Promise! Tantananan. Introducing Nokia 3210. Masaya ka ng makapaglaro  ng Snakes at Memory at satisfied na  sa konting  ngiting  dulot  ng  laro. Naalala ko pa nga noon. May commercial pa ito sa MTV. Lupit, diba. Sikat. Tsk.

Marami diyan. Mahilig  mang-buladas ng mga  babae. Haha. Batu-bato sa langit, ang tamaan dapat  magalit! Wattaterm! Buladas. Mga bolero. Hoy! (kasama  sarili) Kailangan  lang makuha ang number at siya na yan. Kaso dahil walang pang-load, poor si pogi, ida-daan na lang sa chat. Pwedeng Line, Wechat, Viber, Kakaotalk. Name it. Sosyal, di ba?! Naka-internet. Total libre WIFI. Punta ka lang  sa mall. Sa SM. Pwesto  ka  sa  Hotspot. Naku! Pwede ka ng mag-FB, Twitter at kung ano pang sites na gusto mo. Swerte na lang kung konti pa ang tao. Haha. Lagi kaya akong limited connectivity diyan. Malas, di ba? Lalo na ngayong may Free FB ang Globe. Hindi ko alam kung na-extend pa. Tsk, one to sawa ang mga peoples. Hindi  na natutulog yung  iba. Nakikisabay sa mga Graveyard Shifters. Parang Shapeshifters lang tunog ah.  Haha.

Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit  napaka-makapangyarihan ng buladas, ano? Anong meron sa mga bolerong to? Haha.  Para lang kanta ng APO na ni-revive ng Imago na pinamagatang Ewan na may lyrics na Mahal kita, Mahal kita, hindi to bola. Tsk. Wala pang personal contact. Wala pang picture. Wala pang kahit ano. Ise-set pa lang kung  kelan makikipag-eyeball. Yun e kung mag-click ang pambobola. Binibilog  ka! Kung baga, salita lang. Panalo na! Naga-iloveyou na kahit  hindi pa  nagkikita. Oo. Mahal kita. Una palang kita makita, tinamaan na ko.  Naramdaman ko kaagad. Nakakasilaw ang ganda mo. Natutunaw  ang puso  ko.  Yung  boses  mo parang anghel. Mas matindi pa sa kanta ng Savage Garden na "I knew I loved you,  before I met you." Parang isang candy na natutunaw sa labi ang kanilang mga  salita. (Mga  salita pala namin. Kasama ako). Matamis at nakaka-addict. Parang coke lang na  addictive. Sorry hindi ako nagso-softdrinks. Sumasakit tiyan ko  diyan.

Alam ba ninyo na may mga  taong nanghaharana sa cellphone? Haha. Kung noong panahon ni  Kopong-kopong, ang mga nanliligaw ay dumadayo pa sa kabilang  baryo kasama ang isang dimakmak na barkada na todo porma at may dalang gitara, ngayon cellphone na lang ang  labanan. Haha. Hindi na uso ang "Dungawin mo Hirang ang nananambitan." Hindi dahil hindi sila marunong  kumanta.  Ito  ay dahil ang mga bahay ngayon ay wala ng terrace. Haha. Puro bakod pati.  May gate pa. Mayroon pang Rottweiler, Pitbull o kaya Doberman na nakabantay kapag mayaman yung girl. E saka't hindi  kayamanan. Askal lang  ang bantay. Mas matindi yun. Rabies ang kalaban. Haha. Lagot tayo  diyan. Pero ang  problema talaga ay ang pagiging delikado ng lugar tuwing gabi.  Mahirap na. Baka maisahan, di ba? Isa pa, yung  long distance.  Yan ang marami. Para lang Magkabilang  Mundo ni Jireh Lim na may lyrics na Dito ay umaga at diyan ay gabi. Ang oras natin ay magkasalungat. Hehe.

Nakakatuwa din naman talagang  mangharana sa phone. Nasubukan ko na yan. Ni-kikilig siya sa akin as in. (Reminiscing the Past ) Nakakailang set ako ng kanta  parang concert lang na walang  practice at siya ang audience ko. Haha. Try niyo! Promise. Pwede rin sa Skype. Naku, mas effective. 200 pogi points yan. Kahit hindi pogi. Haha.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento