Martes, Pebrero 25, 2014

Pagsiwalat ng Pagpapakawala

Wag kang bibitiw bigla, sabi ng Sponge Cola. Depende kung ano ang bibitiwan. Pwedeng biglaan at pwedeng dahan-dahan. Pwede namang hindi na. Habambuhay mong hawak kung ano man ito. Kaso hindi nga pwedeng lagi. Hindi pwedeng nasa kamay mo. Kaya nga kung papakawalan natin ang isang bagay na hawak na natin, posibleng mapulot ito ng iba at sila naman ang magalaga.

Mahirap pakawalan ang isang taong mahal mo kung marami at malalim ang pinagsamahan. Mahirap maghiwalay. Mahirap ang magparaisip. "Mahirap ang maging mahirap ," sabi ng kanta sa pelikulang On The Job.
Teka napalayo na yata ako. Tsk. Mahirap talaga as in. Isang taon na rin mula ng maging malamig ang pakikitungo niya sakin at ramdam ko ng malayo na siya. Kahit magkalapit kami, hindi ko na siya maabot. Malayo dahil wala na. Malamang sa alamang, wala na talaga. Tsk. Napakasakit, Kuya Eddie. :)

Ano ba tong pinagsasabi ko? Marahil paraan ko ito ng pagpapakawala. Medyo mali yata ang terminong ginamit ko. Sa English ika nga, Let Go. Naalala ko ang Animated Film na Frozen, sabi ng kanta, Let it go, Let it Go.. Hindi ko na alam ang kasunod. Familiar naman kayo dun. Hindi ko na sasabihin. Isa lang naman ang gusto kong iparating. Gusto ko na siyang kalimutan. Kaso hindi ko magawa. Totoo nga siguro ang kanta ng The Script na Breakeven. Kapag ang puso nabiyak, hindi ito pareho. Pwedeng mas masakit sa isa at okay lang naman sa kabila. Nakapag-move on na siya, pero ako hindi pa. When a heart breaks, don't break even. She's moved on while Im still grieving. Tama, di ba?

Napagtanto ko rin pala. May dugo pala ako ni Balagtas. Cut! Take two. Take two. Nawawala na naman ako. Medyo malalim. Babawan natin. Narealize ko pala. Teka, tagalog na nga lang. Napagmuni-muni. Pwede. Napagmuni-muni ko. Pasalamat na rin ako dahil naging kami kahit hindi nagtagal. Kahit hindi kami for life.  Sino ba naman ako para mahalin ng katulad niya? Ako'y isang hamak na tao lamang. Think positive ika nga. Naging tao ako dahil sa kanya. Oo. Hayop ako dati. Haha. Joke lang. What I mean is (Wow! Umi-english) Lakas ng dugo ni Uncle Sam. Ang gusto kong sabihin ay dahil sa kanya, may nabago sakin. She made me to a better person. Kung nasaan man siya, sana okay siya. Tenkyu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento