Martes, Pebrero 25, 2014

Isa, dalawa, o tatlo?

Nagtatanong ang bawat oras at minuto
Bawat araw nama'y nakatingin sa malayo
Ano kaya ang isang linggo?
May liwanag na ba dahil matatapos na ang dilim?
O kahit madilim, ngingiti na rin ang mga bituin?
Sa isang buwan kaya, makakatagal pa kaya?
O sadyang mahirap lang talagang gawin at isipin?

Isip nga ba o puso?
Mananatili pa ba o tuluyang lalayo?
May mawawala nga ba sa 'yo
O meron pa ring maiiwan
Na talagang nauna sa 'kin para sa 'yo?

Hindi naman kita minahal dahil kailangan kita
Minahal kita kaya ngayo'y kailangan kita
Kailan nga ba maitatama ang mali?
Mapapanindigan pa ba ang pinili?

Habang tumatagal humihirap.
Nakatitig lang at hirap lumanghap.
Lalong dumarami ang tanong
Ngunit wala namang sagot.
Ano nga bang sagot sa mga tanong?
Tumatakas pa rin at naiiwang wala pa ring sagot.

Isa, dalawa o tatlo?
O talagang tayo at kayo?
Siya, ikaw at ako. Sila, tayo at ang mundo.
Paano na nga ba? Bahala na.
Basta! Mahal kita. =)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento