Kay sarap uminom ng tsokolate sa umaga. Lalo na raw ang kape. Kaso hindi ako umiinom ng kape. Allergic ako dun. Isa nga sa mga iniiwasan kong pwestuhan ay ang Starbucks at Coffeebean dahil hindi ako bagay dun. Kahit pa libreng WIFI. Ano nga ba ito? Wireless Fidelity sabi ni Wikipedia. Sa tagalog, Walang Wire ng Pagtitiwala? Haha. (Gawa-gawa lang) Fidelity diba? Napakahigh-tech na ng panahon ngayon. Noon, infrared lang. Pagdidikitin yung dalawang phone for file transfer. Tapos dumating ang Bluetooth. Then, WIFI direct. Tapos, NFC. Tapos mayroon ng LTE na dati 2G at 3G lang. Madali ng uminit ang ulo ng mga techie kapag walang HSDPA o HSPA+ ang signal indicator. Yikes! Tapos may Satellite Phone na raw?
Balik tayo sa Starbucks at Coffeebean. Isa pa wala akong perang pambili ng mamahaling kape na kung tutuusin ay pwede mo ng pambili ng ilang sachet ng Milo sa isang linggo. Oo, Milo ito. Ayaw ko ng Ovaltine o Chocquik. Iba lasa. Marahil sanay na ang dila ko sa lasa ng Milo. Oopps. Parang commercial lang. (Sana mabasa ng management ng Milo para mabayaran ako. Haha). Pero totoo. Tsk. Lalo na yung Milo R2. Yung Refuel and Reenergize. Naku, kay sarap. Try mo! Gusto ko rin yung gatas sa umaga. Haha. Yung Bear Brand Adult Plus. Tsk. Pampalakas ng buto. Lalo na sa tuhod. Ooops. Ano, balut lang!?
Dahil nga kakagising ko lang, tamad pa kong lumabas ng bahay para bumili ng makakain. Meron ako ditong ngingutngut na Pandan Cake, Ube Cake, Melon Cake, atbp na galing sa Regent. Kala ko may papel pa sa loob, hinahanap ko. Haha. Nasanay lang sa Lemon Square. Wala na pala kaya diretso na sa bibig. Speaking of papel. Naalala ko yung candy na White Rabbit noong araw. Okay yung papel noon. Natutunaw sa bibig, di ba? Ngayon, wala na. Kapag kinain mo yung papel, babara na sa lalamunan. Haha.
Yung cupcake parang pandesal na lang din ngayon na sobrang nipis at liit. Pansin ninyo? Isang kagat lang ng taong gutom, ubos na kaagad. (Kahit hindi gutom) Bakit nga pala lumiit ang pandesal ngayon? Mahal na ang harina? May kakaiba sa pandesal, di ba? Wala naman siyang ibang sangkap pero tayong mga Pilipino laging naghahanap nito sa umaga. Bread of salt sa English. Sa Espanyol, Pan de Sal. Sa Pilipino, Tinapay ng Asin. Napaka-literal. Haha. Asin lang naman pala 'to. Pero bakit masarap?
Habang kumakain ako at umiinom ng tsokolate, nakaharap ako sa aking kompyuter (Sony Vaio 14" touchscreen. Feeling proud.) at nagta-type. Kay sarap ng feeling. Oh yeah. May kachat ako iilan lang. Ito yung mga taong gusto akong kumustahin sa umaga at naaapreciate ang existence ko sa mundong ibabaw. Thank you, Lord. Lalo na yung isa. Naghahanap ng scandal ni AJ Falcon at Sunshine Cruz. Langya. Haha. Kung mayroon daw akong kopya. What?! Nakita siguro niya na ni-download ko yung latest episode ng The Walking Dead kaninang madaling araw. Maganda yun. Promise! Peksman. Mamatay man si Superman, Batman, at Spiderman. Zombies, you know?! Buhay na patay daw. Kelangang mapuruhan ang ulo at diretso sa utak para tuluyan ng mamahinga. Haha. Ito siguro ang dahilan kung kaya nainisip niya na baka ni-download ko rin yung scandal. Tsk.
Iba't iba talaga ang kaligayahan ng tao, ano? Sa kasamaang palad, wala akong kopya ng hinanahap niya. Pero kung magkaroon man, ishi-share ko. Share your blessings! Para lahat masaya. Hehe. Cheers! Oooops. Yari tayo nito.
Inabot na ako ng tanghali sa harapan ng kompyuter. Tunaw na rin malamang ang mga cupcake sa tiyan ko. It's lunch time. Hihihi. Ano kayang ulam? :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento