Tignan mo sila, magkahawak kamay.
Naiinggit ka ba?
May pics pa at nag-selfie kahit galing sa away.
Ang cute, di ba?
Maaring hindi pa panahon.
Pero dati naman meron.
Naghiwalay kasi kumplikado.
Di nagtagal pero may malalim na kwento.
Maaaring ikaw o kaya siya na nariyan.
O baka siya na naroon sa malayong lugar.
Hindi ko alam. Wala pang pangalan.
O baka naman dati lang sa nakaraan.
Ang kasiyahan nga talaga'y di nakikita sa dami.
Ang mahalaga kahit paano'y nakakangiti.
Masaya na kong sumusulat at kumakanta.
Masaya na kong gumuguhit at tumutula.
Ito ay ang mga nilalaman ng aking kaisipan. Nilalaman ng aking mga naranasan. Mga libangan at interest tungkol sa iba't ibang larangan tulad ng pilosopiya, sining, musika, teknolohiya, relihiyon at iba pa. Ang bawat titik ng mga sulat na ito ay isang pagpapahayag ng aking kalayaan at pagbibigay ko ng sarili sa bawat mambabasa.
Martes, Pebrero 25, 2014
Direksyong Hindi Alam
Kailan ako huling nangarap?
Wala na yata akong pangarap.
Dati-rati naka-sotana, may itim, may puti.
May hawak na rosaryo at breviary.
Ngayon, nasaan na?
Wala na nga yata.
Ako babalik? Tanong sa sarili.
Matanda na. May buhay ng sarili.
Ano ng pangarap? Pilosopiya?
Pwede magturo. Baka sa ulap.
Asan na? Kung nasaan ang puso.
Hindi ko alam. Magulo.
Magaabroad daw. Saan naman kaya?
O uugatan dito habambuhay.
Magpapamilya kaagad? Wala pa sa isip.
Mahirap ang buhay.

Isa, dalawa, o tatlo?
Nagtatanong ang bawat oras at minuto
Bawat araw nama'y nakatingin sa malayo
Ano kaya ang isang linggo?
May liwanag na ba dahil matatapos na ang dilim?
O kahit madilim, ngingiti na rin ang mga bituin?
Sa isang buwan kaya, makakatagal pa kaya?
O sadyang mahirap lang talagang gawin at isipin?
Isip nga ba o puso?
Mananatili pa ba o tuluyang lalayo?
May mawawala nga ba sa 'yo
O meron pa ring maiiwan
Na talagang nauna sa 'kin para sa 'yo?
Hindi naman kita minahal dahil kailangan kita
Minahal kita kaya ngayo'y kailangan kita
Kailan nga ba maitatama ang mali?
Mapapanindigan pa ba ang pinili?
Habang tumatagal humihirap.
Nakatitig lang at hirap lumanghap.
Lalong dumarami ang tanong
Ngunit wala namang sagot.
Ano nga bang sagot sa mga tanong?
Tumatakas pa rin at naiiwang wala pa ring sagot.
Isa, dalawa o tatlo?
O talagang tayo at kayo?
Siya, ikaw at ako. Sila, tayo at ang mundo.
Paano na nga ba? Bahala na.
Basta! Mahal kita. =)

Thus Spoke Superman
I wish I was strong enough
To battle without losing
To hear train's music without crying
I wish I was strong enough
To keep my promise and be on track
To stay longer without looking back
I wish I was strong enough
To deal with what I chose
To be the best and what is most
I am into battle thinking of surrendering
I hear their music playing with all tears flowing
I have only your words making me stay on track
I'm keeping them still way back
But now I'm on the brink of acceptance
Terribly piercing me with a lance
Do I have still to deal with what I chose
And still be the best and what is most?
All possibilities are given
All expectations are laid
Where else this be goin'
Most of the answers escaped
Thus spoke Superman
Who's wanting to be strong to fight
Not weakened every minute by kryptonite
But weakened by the truth tonight.
I wish I was strong enough.

Pagsiwalat ng Pagpapakawala
Wag kang bibitiw bigla, sabi ng Sponge Cola. Depende kung ano ang bibitiwan. Pwedeng biglaan at pwedeng dahan-dahan. Pwede namang hindi na. Habambuhay mong hawak kung ano man ito. Kaso hindi nga pwedeng lagi. Hindi pwedeng nasa kamay mo. Kaya nga kung papakawalan natin ang isang bagay na hawak na natin, posibleng mapulot ito ng iba at sila naman ang magalaga.
Mahirap pakawalan ang isang taong mahal mo kung marami at malalim ang pinagsamahan. Mahirap maghiwalay. Mahirap ang magparaisip. "Mahirap ang maging mahirap ," sabi ng kanta sa pelikulang On The Job.
Teka napalayo na yata ako. Tsk. Mahirap talaga as in. Isang taon na rin mula ng maging malamig ang pakikitungo niya sakin at ramdam ko ng malayo na siya. Kahit magkalapit kami, hindi ko na siya maabot. Malayo dahil wala na. Malamang sa alamang, wala na talaga. Tsk. Napakasakit, Kuya Eddie. :)
Ano ba tong pinagsasabi ko? Marahil paraan ko ito ng pagpapakawala. Medyo mali yata ang terminong ginamit ko. Sa English ika nga, Let Go. Naalala ko ang Animated Film na Frozen, sabi ng kanta, Let it go, Let it Go.. Hindi ko na alam ang kasunod. Familiar naman kayo dun. Hindi ko na sasabihin. Isa lang naman ang gusto kong iparating. Gusto ko na siyang kalimutan. Kaso hindi ko magawa. Totoo nga siguro ang kanta ng The Script na Breakeven. Kapag ang puso nabiyak, hindi ito pareho. Pwedeng mas masakit sa isa at okay lang naman sa kabila. Nakapag-move on na siya, pero ako hindi pa. When a heart breaks, don't break even. She's moved on while Im still grieving. Tama, di ba?
Napagtanto ko rin pala. May dugo pala ako ni Balagtas. Cut! Take two. Take two. Nawawala na naman ako. Medyo malalim. Babawan natin. Narealize ko pala. Teka, tagalog na nga lang. Napagmuni-muni. Pwede. Napagmuni-muni ko. Pasalamat na rin ako dahil naging kami kahit hindi nagtagal. Kahit hindi kami for life. Sino ba naman ako para mahalin ng katulad niya? Ako'y isang hamak na tao lamang. Think positive ika nga. Naging tao ako dahil sa kanya. Oo. Hayop ako dati. Haha. Joke lang. What I mean is (Wow! Umi-english) Lakas ng dugo ni Uncle Sam. Ang gusto kong sabihin ay dahil sa kanya, may nabago sakin. She made me to a better person. Kung nasaan man siya, sana okay siya. Tenkyu!

Tsokolate Atbp.
Kay sarap uminom ng tsokolate sa umaga. Lalo na raw ang kape. Kaso hindi ako umiinom ng kape. Allergic ako dun. Isa nga sa mga iniiwasan kong pwestuhan ay ang Starbucks at Coffeebean dahil hindi ako bagay dun. Kahit pa libreng WIFI. Ano nga ba ito? Wireless Fidelity sabi ni Wikipedia. Sa tagalog, Walang Wire ng Pagtitiwala? Haha. (Gawa-gawa lang) Fidelity diba? Napakahigh-tech na ng panahon ngayon. Noon, infrared lang. Pagdidikitin yung dalawang phone for file transfer. Tapos dumating ang Bluetooth. Then, WIFI direct. Tapos, NFC. Tapos mayroon ng LTE na dati 2G at 3G lang. Madali ng uminit ang ulo ng mga techie kapag walang HSDPA o HSPA+ ang signal indicator. Yikes! Tapos may Satellite Phone na raw?
Balik tayo sa Starbucks at Coffeebean. Isa pa wala akong perang pambili ng mamahaling kape na kung tutuusin ay pwede mo ng pambili ng ilang sachet ng Milo sa isang linggo. Oo, Milo ito. Ayaw ko ng Ovaltine o Chocquik. Iba lasa. Marahil sanay na ang dila ko sa lasa ng Milo. Oopps. Parang commercial lang. (Sana mabasa ng management ng Milo para mabayaran ako. Haha). Pero totoo. Tsk. Lalo na yung Milo R2. Yung Refuel and Reenergize. Naku, kay sarap. Try mo! Gusto ko rin yung gatas sa umaga. Haha. Yung Bear Brand Adult Plus. Tsk. Pampalakas ng buto. Lalo na sa tuhod. Ooops. Ano, balut lang!?
Dahil nga kakagising ko lang, tamad pa kong lumabas ng bahay para bumili ng makakain. Meron ako ditong ngingutngut na Pandan Cake, Ube Cake, Melon Cake, atbp na galing sa Regent. Kala ko may papel pa sa loob, hinahanap ko. Haha. Nasanay lang sa Lemon Square. Wala na pala kaya diretso na sa bibig. Speaking of papel. Naalala ko yung candy na White Rabbit noong araw. Okay yung papel noon. Natutunaw sa bibig, di ba? Ngayon, wala na. Kapag kinain mo yung papel, babara na sa lalamunan. Haha.
Yung cupcake parang pandesal na lang din ngayon na sobrang nipis at liit. Pansin ninyo? Isang kagat lang ng taong gutom, ubos na kaagad. (Kahit hindi gutom) Bakit nga pala lumiit ang pandesal ngayon? Mahal na ang harina? May kakaiba sa pandesal, di ba? Wala naman siyang ibang sangkap pero tayong mga Pilipino laging naghahanap nito sa umaga. Bread of salt sa English. Sa Espanyol, Pan de Sal. Sa Pilipino, Tinapay ng Asin. Napaka-literal. Haha. Asin lang naman pala 'to. Pero bakit masarap?
Habang kumakain ako at umiinom ng tsokolate, nakaharap ako sa aking kompyuter (Sony Vaio 14" touchscreen. Feeling proud.) at nagta-type. Kay sarap ng feeling. Oh yeah. May kachat ako iilan lang. Ito yung mga taong gusto akong kumustahin sa umaga at naaapreciate ang existence ko sa mundong ibabaw. Thank you, Lord. Lalo na yung isa. Naghahanap ng scandal ni AJ Falcon at Sunshine Cruz. Langya. Haha. Kung mayroon daw akong kopya. What?! Nakita siguro niya na ni-download ko yung latest episode ng The Walking Dead kaninang madaling araw. Maganda yun. Promise! Peksman. Mamatay man si Superman, Batman, at Spiderman. Zombies, you know?! Buhay na patay daw. Kelangang mapuruhan ang ulo at diretso sa utak para tuluyan ng mamahinga. Haha. Ito siguro ang dahilan kung kaya nainisip niya na baka ni-download ko rin yung scandal. Tsk.
Iba't iba talaga ang kaligayahan ng tao, ano? Sa kasamaang palad, wala akong kopya ng hinanahap niya. Pero kung magkaroon man, ishi-share ko. Share your blessings! Para lahat masaya. Hehe. Cheers! Oooops. Yari tayo nito.
Inabot na ako ng tanghali sa harapan ng kompyuter. Tunaw na rin malamang ang mga cupcake sa tiyan ko. It's lunch time. Hihihi. Ano kayang ulam? :)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)