Miyerkules, Pebrero 26, 2014

Umibig ka na ba? Haha...

Kakauwi ko lang galing trabaho at may dala akong pagkaing goto. Mura lang 'to.  Trenta  pesos.  Hehe. Gusto niyo? Talap talap. Lalo na kung  maalat at maasim. Pinaghalong lasa. Uhmmm. Hindi  ko na sinamahan ng itlog kasi allergic ako  dun. Magpapara-bahin na naman ako. Haha. Ang dami kong allergy. Pansin niyo? Habang kumakain, naisipan ko  na namang magsulat. Tila yata hinahanap  ng mga daliri ko  ang makinis na keyboard ng aking kompyuter at ang mga ideya sa utak  ko ay nagpupumiglas at handang kumawala na naman sa kawalan. Malalim na ang gabi at ang mga madlang peoples ay tulog na. Pagusapan natin ang pagibig. Yikes! Okay class, what is love? Kaibigan,  usap tayo. Haha. Boy? Ikaw ba yan?!

Naalala ko nung  hayskul ako. Kapag binabasa ko yung mga nakasulat sa slam note (slam book) ng mga nag-gagandahan kong mga kaklase, (uuuyyyyy) mababasa dun bukod sa mga favorite nilang kulay, ideal man/woman, at motto sa buhay, ipapa-define sayo ang love. Sabi  nung iba, Love is like a rosary full of mystery. Haha. Meron  pa. Love is blind. Hmp. Luma na. Ito pa, Love is sacrifice. Medyo seryoso. Noong nasa seminary naman ako, mayroon akong isang kaklaseng tinanong kung ano ang love. Sabi niya, love  endures  forever. Wahaha. Oh kitams. Kakaiba.

Kapag pinaguusapan ang love, napaka-attentive natin,  di ba? Ito na siguro ang pinakasikat na salita sa buong mundo. Napakaiksi pero mahirap ipaliwanag at ang daming kahulugan. Hindi tulad ng dalawa sa pinakamahabang salita na supercalifragilisticexpialidocious na walang ibang ibig sabihin  kundi wonderful at pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis na walang ibang kahulugan kundi sakit sa baga. Tsk. Mahirap  ng  isulat. Mahirap pang bigkasin. Hindi tulad ng love.
Siguro kong magkakaroon ng isang class o kurso sa school tungkol sa love, walang aabsent at walang magka-cutting class. Hahaha. Balikan ang nakaraan. Yung tipong umaakyat sa bakod ng school tuwing recess o kaya kapag walang teacher o basa ang chalk. Gawain nila yan. Sapul! Pero alam niyo ba na mayroong isang natatanging non-credit class sa University of Southern Califonia na tinatawag na Love 1A. Si Leo Buscaglia ang nagpasimula nito. Magsasawa kayong  makarinig ng tungkol sa pagibig, maghapo't magdamag. Haha. Sana meron nito dito, ano?

Teka, ang haba na ng sinulat ko pero parang lahat intoduction. Haha. Sige. Seryosohin na natin.  Walang tatawa. Pigilin ang tawa at wala ring uutot. (haha sa isip) Smile lang. Smile ka din. (commercial ng Mcdo) Mahirap i-define ang love  kasi hindi naman ito isang bagay na nakikita. Para itong  numero  o titik o letra na  hindi mo karaniwang nakikitang naglalakad o lumilipad sa pang-araw na araw na buhay. Pwede nating i-describe pero  hindi natin pwedeng i-define. Sabi ni Michael Bolton  sa kanta,  I want to know  what love is, I want you to show me. Tumpak! Kung  ide-define natin ito, we can only say that love is. Period. Pero by description, bini-base na natin ito  sa ating personal na pagpapakilala. Kailangan itong makita.  I want you to show me. Binabase na natin ito sa ating karanasan. Binabase natin ito kung paano natin ito  nakikita o  nararanasan. Kung paano ka pinaiyak  ng pagibig.  Kung paano ka pinatawa nito. Pinasaya. Kung paano ka pinakilig. Kung paano mo siya natagpuan. Kung paano niya ginawang magical world  ang buhay mo na parang nasa Disneyland. Kung papano ka lumilipad sa alapaap dahil sa isang smiley ng chat message na natanggap mo mula sa crush mo. Lahat ng ito ay dahil sa experience. Nararamdaman natin. Napapangiti tayo. Napapaiyak  tayo. Nagagalit tayo. Sabi nga ng isang sikat na kasabihan, Experience is the best teacher. Haha.

Iiwanan ko na sa inyo ang kahulugan nito.  Kung ako tatanungin, ang pagibig  ay pagbibigay. Love is giving. Isang kilalang santa na si Sta. Teresita ng Lisieux ang nagsabing ang mabuhay sa pagibig ay pagbibigay. We give all. We give everything. Pero pwede namang magtira kung  gusto niyo. Haha. Ikaw,  ano ang pagibig?

Martes, Pebrero 25, 2014

Niligawan ka sa text?! What!

Isa siguro sa mga uso ngayon ay ang ligawan gamit ang makabagong  teknolohiya, ano?! Marami akong  kakilala at may mga karanasan tungkol  dito. Kahit ang inyong lingkod ay isa rin sa mga ito.  Haha. Noon, beeper lang. Pero hindi  ako  nakagamit  nito sa totoo lang. Then, cellphone. Black and white pa at naghahari  ang Nokia. Wala pa yang Sony Mobile, Samsung Mobile o kaya iPhone ng Apple. Si Steve Jobs busy pa yan sa pag-produce ng iMac at wala pang ideya kung ano ang  iPhone. Haha.

Balik tayo sa napaka-hightech na  Nokia. Pero inferness, (haha. natawa sa sarili) Pinakasikat talaga ito noong araw. Promise! Tantananan. Introducing Nokia 3210. Masaya ka ng makapaglaro  ng Snakes at Memory at satisfied na  sa konting  ngiting  dulot  ng  laro. Naalala ko pa nga noon. May commercial pa ito sa MTV. Lupit, diba. Sikat. Tsk.

Marami diyan. Mahilig  mang-buladas ng mga  babae. Haha. Batu-bato sa langit, ang tamaan dapat  magalit! Wattaterm! Buladas. Mga bolero. Hoy! (kasama  sarili) Kailangan  lang makuha ang number at siya na yan. Kaso dahil walang pang-load, poor si pogi, ida-daan na lang sa chat. Pwedeng Line, Wechat, Viber, Kakaotalk. Name it. Sosyal, di ba?! Naka-internet. Total libre WIFI. Punta ka lang  sa mall. Sa SM. Pwesto  ka  sa  Hotspot. Naku! Pwede ka ng mag-FB, Twitter at kung ano pang sites na gusto mo. Swerte na lang kung konti pa ang tao. Haha. Lagi kaya akong limited connectivity diyan. Malas, di ba? Lalo na ngayong may Free FB ang Globe. Hindi ko alam kung na-extend pa. Tsk, one to sawa ang mga peoples. Hindi  na natutulog yung  iba. Nakikisabay sa mga Graveyard Shifters. Parang Shapeshifters lang tunog ah.  Haha.

Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit  napaka-makapangyarihan ng buladas, ano? Anong meron sa mga bolerong to? Haha.  Para lang kanta ng APO na ni-revive ng Imago na pinamagatang Ewan na may lyrics na Mahal kita, Mahal kita, hindi to bola. Tsk. Wala pang personal contact. Wala pang picture. Wala pang kahit ano. Ise-set pa lang kung  kelan makikipag-eyeball. Yun e kung mag-click ang pambobola. Binibilog  ka! Kung baga, salita lang. Panalo na! Naga-iloveyou na kahit  hindi pa  nagkikita. Oo. Mahal kita. Una palang kita makita, tinamaan na ko.  Naramdaman ko kaagad. Nakakasilaw ang ganda mo. Natutunaw  ang puso  ko.  Yung  boses  mo parang anghel. Mas matindi pa sa kanta ng Savage Garden na "I knew I loved you,  before I met you." Parang isang candy na natutunaw sa labi ang kanilang mga  salita. (Mga  salita pala namin. Kasama ako). Matamis at nakaka-addict. Parang coke lang na  addictive. Sorry hindi ako nagso-softdrinks. Sumasakit tiyan ko  diyan.

Alam ba ninyo na may mga  taong nanghaharana sa cellphone? Haha. Kung noong panahon ni  Kopong-kopong, ang mga nanliligaw ay dumadayo pa sa kabilang  baryo kasama ang isang dimakmak na barkada na todo porma at may dalang gitara, ngayon cellphone na lang ang  labanan. Haha. Hindi na uso ang "Dungawin mo Hirang ang nananambitan." Hindi dahil hindi sila marunong  kumanta.  Ito  ay dahil ang mga bahay ngayon ay wala ng terrace. Haha. Puro bakod pati.  May gate pa. Mayroon pang Rottweiler, Pitbull o kaya Doberman na nakabantay kapag mayaman yung girl. E saka't hindi  kayamanan. Askal lang  ang bantay. Mas matindi yun. Rabies ang kalaban. Haha. Lagot tayo  diyan. Pero ang  problema talaga ay ang pagiging delikado ng lugar tuwing gabi.  Mahirap na. Baka maisahan, di ba? Isa pa, yung  long distance.  Yan ang marami. Para lang Magkabilang  Mundo ni Jireh Lim na may lyrics na Dito ay umaga at diyan ay gabi. Ang oras natin ay magkasalungat. Hehe.

Nakakatuwa din naman talagang  mangharana sa phone. Nasubukan ko na yan. Ni-kikilig siya sa akin as in. (Reminiscing the Past ) Nakakailang set ako ng kanta  parang concert lang na walang  practice at siya ang audience ko. Haha. Try niyo! Promise. Pwede rin sa Skype. Naku, mas effective. 200 pogi points yan. Kahit hindi pogi. Haha.

Ekspresyon ng Panulat

Tignan mo sila, magkahawak kamay.
Naiinggit ka ba?
May pics pa at nag-selfie kahit galing sa away.
Ang cute, di ba?

Maaring hindi pa panahon.
Pero dati naman meron.
Naghiwalay kasi kumplikado.
Di nagtagal pero may malalim na kwento.

Maaaring ikaw o kaya siya na nariyan.
O baka siya na naroon sa malayong lugar.
Hindi ko alam. Wala pang pangalan.
O baka naman dati lang sa nakaraan.

Ang kasiyahan nga talaga'y di nakikita sa dami.
Ang mahalaga kahit paano'y nakakangiti.
Masaya na kong sumusulat at kumakanta.
Masaya na kong gumuguhit at tumutula.

Direksyong Hindi Alam

Kailan ako huling nangarap?
Wala na yata akong pangarap.
Dati-rati naka-sotana, may itim, may puti.
May hawak na rosaryo at breviary.

Ngayon, nasaan na?
Wala na nga yata.
Ako babalik? Tanong sa sarili.
Matanda na. May buhay ng sarili.

Ano ng pangarap? Pilosopiya?
Pwede magturo. Baka sa ulap.
Asan na? Kung nasaan ang puso. 
Hindi ko alam. Magulo.

Magaabroad daw. Saan naman kaya?
O uugatan dito habambuhay.
Magpapamilya kaagad? Wala pa sa isip.
Mahirap ang buhay.

Isa, dalawa, o tatlo?

Nagtatanong ang bawat oras at minuto
Bawat araw nama'y nakatingin sa malayo
Ano kaya ang isang linggo?
May liwanag na ba dahil matatapos na ang dilim?
O kahit madilim, ngingiti na rin ang mga bituin?
Sa isang buwan kaya, makakatagal pa kaya?
O sadyang mahirap lang talagang gawin at isipin?

Isip nga ba o puso?
Mananatili pa ba o tuluyang lalayo?
May mawawala nga ba sa 'yo
O meron pa ring maiiwan
Na talagang nauna sa 'kin para sa 'yo?

Hindi naman kita minahal dahil kailangan kita
Minahal kita kaya ngayo'y kailangan kita
Kailan nga ba maitatama ang mali?
Mapapanindigan pa ba ang pinili?

Habang tumatagal humihirap.
Nakatitig lang at hirap lumanghap.
Lalong dumarami ang tanong
Ngunit wala namang sagot.
Ano nga bang sagot sa mga tanong?
Tumatakas pa rin at naiiwang wala pa ring sagot.

Isa, dalawa o tatlo?
O talagang tayo at kayo?
Siya, ikaw at ako. Sila, tayo at ang mundo.
Paano na nga ba? Bahala na.
Basta! Mahal kita. =)

Thus Spoke Superman

I wish I was strong enough
To battle without losing
To hear train's music without crying
I wish I was strong enough
To keep my promise and be on track
To stay longer without looking back
I wish I was strong enough
To deal with what I chose
To be the best and what is most

I am into battle thinking of surrendering
I hear their music playing with all tears flowing
I have only your words making me stay on track
I'm keeping them still way back
But now I'm on the brink of acceptance
Terribly piercing me with a lance

Do I have still to deal with what I chose
And still be the best and what is most?

All possibilities are given
All expectations are laid
Where else this be goin'
Most of the answers escaped

Thus spoke Superman
Who's wanting to be strong to fight
Not weakened every minute by kryptonite
But weakened by the truth tonight.

I wish I was strong enough.

Pagsiwalat ng Pagpapakawala

Wag kang bibitiw bigla, sabi ng Sponge Cola. Depende kung ano ang bibitiwan. Pwedeng biglaan at pwedeng dahan-dahan. Pwede namang hindi na. Habambuhay mong hawak kung ano man ito. Kaso hindi nga pwedeng lagi. Hindi pwedeng nasa kamay mo. Kaya nga kung papakawalan natin ang isang bagay na hawak na natin, posibleng mapulot ito ng iba at sila naman ang magalaga.

Mahirap pakawalan ang isang taong mahal mo kung marami at malalim ang pinagsamahan. Mahirap maghiwalay. Mahirap ang magparaisip. "Mahirap ang maging mahirap ," sabi ng kanta sa pelikulang On The Job.
Teka napalayo na yata ako. Tsk. Mahirap talaga as in. Isang taon na rin mula ng maging malamig ang pakikitungo niya sakin at ramdam ko ng malayo na siya. Kahit magkalapit kami, hindi ko na siya maabot. Malayo dahil wala na. Malamang sa alamang, wala na talaga. Tsk. Napakasakit, Kuya Eddie. :)

Ano ba tong pinagsasabi ko? Marahil paraan ko ito ng pagpapakawala. Medyo mali yata ang terminong ginamit ko. Sa English ika nga, Let Go. Naalala ko ang Animated Film na Frozen, sabi ng kanta, Let it go, Let it Go.. Hindi ko na alam ang kasunod. Familiar naman kayo dun. Hindi ko na sasabihin. Isa lang naman ang gusto kong iparating. Gusto ko na siyang kalimutan. Kaso hindi ko magawa. Totoo nga siguro ang kanta ng The Script na Breakeven. Kapag ang puso nabiyak, hindi ito pareho. Pwedeng mas masakit sa isa at okay lang naman sa kabila. Nakapag-move on na siya, pero ako hindi pa. When a heart breaks, don't break even. She's moved on while Im still grieving. Tama, di ba?

Napagtanto ko rin pala. May dugo pala ako ni Balagtas. Cut! Take two. Take two. Nawawala na naman ako. Medyo malalim. Babawan natin. Narealize ko pala. Teka, tagalog na nga lang. Napagmuni-muni. Pwede. Napagmuni-muni ko. Pasalamat na rin ako dahil naging kami kahit hindi nagtagal. Kahit hindi kami for life.  Sino ba naman ako para mahalin ng katulad niya? Ako'y isang hamak na tao lamang. Think positive ika nga. Naging tao ako dahil sa kanya. Oo. Hayop ako dati. Haha. Joke lang. What I mean is (Wow! Umi-english) Lakas ng dugo ni Uncle Sam. Ang gusto kong sabihin ay dahil sa kanya, may nabago sakin. She made me to a better person. Kung nasaan man siya, sana okay siya. Tenkyu!

Tsokolate Atbp.

Kay sarap uminom ng tsokolate sa umaga. Lalo na raw ang kape. Kaso hindi ako umiinom ng kape. Allergic ako dun. Isa nga sa mga iniiwasan kong pwestuhan ay ang Starbucks at Coffeebean dahil hindi ako bagay dun. Kahit pa libreng WIFI. Ano nga ba ito? Wireless Fidelity sabi ni Wikipedia. Sa tagalog, Walang Wire ng Pagtitiwala? Haha. (Gawa-gawa lang) Fidelity diba? Napakahigh-tech na ng panahon ngayon. Noon, infrared lang. Pagdidikitin yung dalawang phone for file transfer. Tapos dumating ang Bluetooth. Then, WIFI direct. Tapos, NFC. Tapos mayroon ng LTE na dati 2G at 3G lang. Madali ng uminit ang ulo ng mga techie kapag walang HSDPA o HSPA+ ang signal indicator. Yikes! Tapos may Satellite Phone na raw?

Balik tayo sa Starbucks at Coffeebean. Isa pa wala akong perang pambili ng mamahaling kape na kung tutuusin ay pwede mo ng  pambili ng ilang sachet ng Milo sa isang linggo. Oo, Milo ito. Ayaw ko ng Ovaltine o Chocquik. Iba lasa. Marahil sanay na ang dila ko sa lasa ng Milo. Oopps. Parang commercial lang. (Sana mabasa ng management ng Milo para mabayaran ako. Haha). Pero totoo. Tsk. Lalo na yung Milo R2. Yung Refuel and Reenergize. Naku, kay sarap. Try mo! Gusto ko rin yung gatas sa umaga. Haha. Yung Bear Brand Adult Plus. Tsk. Pampalakas ng buto. Lalo na sa tuhod. Ooops. Ano, balut lang!?

Dahil nga kakagising ko lang, tamad pa kong lumabas ng bahay para bumili ng makakain. Meron ako ditong ngingutngut na Pandan Cake, Ube Cake,  Melon Cake, atbp na galing sa Regent. Kala ko may papel  pa sa loob,  hinahanap ko. Haha. Nasanay lang sa Lemon Square.  Wala na pala kaya diretso na sa bibig. Speaking of papel. Naalala ko yung candy na White Rabbit noong araw. Okay yung papel noon. Natutunaw sa bibig, di ba? Ngayon, wala na. Kapag kinain mo yung papel, babara na sa lalamunan. Haha.

Yung cupcake parang pandesal na lang din ngayon na sobrang nipis at liit. Pansin ninyo? Isang kagat lang ng taong gutom,  ubos  na kaagad. (Kahit hindi gutom) Bakit  nga pala lumiit ang  pandesal ngayon? Mahal na ang harina? May kakaiba sa pandesal, di ba? Wala naman siyang ibang sangkap pero tayong mga Pilipino laging naghahanap nito sa  umaga. Bread of salt sa English. Sa Espanyol, Pan de Sal. Sa Pilipino, Tinapay ng Asin. Napaka-literal.  Haha. Asin lang  naman pala 'to. Pero bakit masarap?

Habang kumakain ako at umiinom  ng tsokolate, nakaharap ako  sa aking  kompyuter (Sony Vaio 14" touchscreen. Feeling proud.) at nagta-type. Kay sarap ng feeling. Oh yeah. May kachat ako iilan lang. Ito yung mga taong gusto akong kumustahin sa umaga at naaapreciate  ang existence ko  sa mundong ibabaw. Thank you, Lord. Lalo na yung isa. Naghahanap ng scandal  ni AJ  Falcon at Sunshine Cruz. Langya. Haha. Kung mayroon daw akong kopya. What?! Nakita siguro niya na ni-download ko yung latest episode  ng The  Walking Dead kaninang madaling araw. Maganda yun. Promise! Peksman. Mamatay man si Superman, Batman, at Spiderman. Zombies, you know?! Buhay na patay daw. Kelangang mapuruhan ang ulo at diretso sa utak para tuluyan ng mamahinga. Haha. Ito siguro ang dahilan kung kaya nainisip niya na baka ni-download ko rin yung scandal. Tsk.

Iba't iba talaga ang kaligayahan ng tao, ano? Sa kasamaang  palad, wala akong kopya ng hinanahap niya. Pero kung  magkaroon man, ishi-share ko. Share  your  blessings! Para lahat masaya. Hehe. Cheers! Oooops. Yari tayo nito.

Inabot na ako ng tanghali sa harapan ng kompyuter. Tunaw na rin malamang ang mga cupcake sa tiyan ko. It's lunch time. Hihihi. Ano kayang ulam? :)